Skip to main content
|

ACWD 46th Founding Anniversary

Punong-puno ng saya at kagalakan ang ginanap na pagdiriwang ng ika-46 na taong Anibersaryo ng Alaminos City Water District (ACWD) na ginanap ngayong gabi, ika-24 ng Marso 2022 sa Don Leopoldo Sison Convention Center. Ang selebrasyong ito ay dinaluhan ng mga Board of Directors sa pangunguna ni BOD Chairperson, Ret. Col. Manuel Velasco at ng mga empleyado ng ACWD sa pamumuno ng walang kapagurang General Manager, Atty. Napoleon “Jojo” F. Segundera, Jr. Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni GM Jojo ang mga kawani na bigyang halaga ang pagkakataon na maging bahagi ng ACWD upang makapagbigay serbisyo sa mga mamayan ng Lungson ng Alaminos. Idinagnag din niya na mahalin at alagaan ang ahensya na apatnapu’t-anim na taon nang nagsusuplay ng tubig sa ating mahal na lungsod. Kanya ring binigyang diin na huwag kalimutan kung saan at paano nagsimula ang ahensya at ang bawat isa bilang kawani at bilang lingkod bayan. Dumalo rin sa okasyong ito ang butihing alkade ng Lungsod, Mayor Arth Bryan C. Celeste na nagbigay ng mensahing pagbati para sa pagdiriwang ng anibersaryo ng ACWD. Sa naganap na pagdiriwang, binigyang parangal din ang mga na-qualify sa Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) katulad ng Service Loyalty Award, Perfect Attendance Award, Outstanding Employee Award at iba pa. Pinarangalan din sa gabing ito ang mga nagwagi sa Biggest Losser Challenge ng ACWD. Ang pamunuan at mga kawani ng ACWD ay lubos na nagpapasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Alaminos sa pagpapagamit ng Don Leopoldo Sison Convention Center upang matagumpay na maidaos ang nasabing okasyon.
ACWD 46th Founding Anniversary

Related Articles

Data Privacy Statement
Terms of Service

OFFICE HOURS:
Monday - Friday
08:00AM - 05:00PM

ADDRESS:
Quezon Ave. Cor. P Reinoso St Poblacion, Alaminos, Pangasinan

CONTACT:
Telephone No.: 075-205-8036
Customer Service: 0947-899-8179
Bids and Awards Committee: 0917-848-3882

Visit Us

Skip to content