ACWD Nagbigay-Paalala ukol sa Salt Water Intrusion sa Sabangan Water Sources
Sa panahon ng tag-init, tumataas ang alat o “salinity level” ng tubig sa Sabangan deep well at spring sources.
Nangyayari ito dahil sa matinding init, kakulangan ng ulan, at pagbaba ng water level sa ilalim ng lupa. Kapag mababa ang level ng tubig, nagkakaroon ng salt water intrusion o pagpasok ng tubig-alat mula sa karagatan papunta sa deep well at spring source na humahalo sa tubig-tabang kung kaya naaapektuhan ang kalidad ng tubig na ating ginagamit.
Dahil dito, maaaring magbago ang lasa ng tubig at hindi na ito angkop sa ilang gamit sa bahay tulad ng pang-inom at pangluto.
Bagamat ginagawa ng lahat ng ACWD Management at Water Production Team ang lahat ng paraan upang maiwasan ang ganitong pagkakataon sa pamamagitan ng mga operational controls at regular na water tests, may mga pagkakataon pa rin na hindi naiiwasan ang salt water intrusion.
Kung kaya hinihikayat namin ang aming mga concessionaires na mag-imbak ng sapat na tubig habang maayos ang kalidad ng tubig na dumadaloy sa inyong faucets upang may sapat na magagamit sa oras ng pangangailangan. Mahalaga rin ang pagtitipid at maingat na paggamit ng tubig upang makatulong sa pagpapanatili ng sapat at ligtas na suplay para sa buong komunidad.
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1Ce7d9eFqH/