Skip to main content
|

Alaminos City Water District Brigada Eskwela 2020

Akma sa tema na “Pagpapanatili ng Bayanihan tungo sa Kalidad na Edukasyon para sa Kabataan”, ang Alaminos City Water District ay kakapit-bisig ng mga eskwelahan sa Alaminos City sa kanilang Brigada Eskwela 2020. Noong Agosto 11, nagsimulang mamahagi ng Portable Handwashing Stations ang ACWD sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya sa lungsod ng Alaminos. Sa kasalukuyan, Agosto 17, dalawampu’t lima (25) na paaralan na ang nakatanggap ng Portable Handwashing Stations mula sa Distrito: 1) Alaminos City National High School 2) Alos National High School 3) Amangbangan Elementary School 4) Balayang Elementary School 5) Balangobong Elementary School 6) Bisocol Elementary School 7) Bued Elementary School 8) Cabatuan Elementary School 9) Cayucay Elementary School 10) Cayucay National High School 11) Ildefonso Quimson Community High School 12) Inerangan National High School 13) Landoc Elementary School 14) Linmansangan Elementary School 15) Longos Elementary School 16) Maawi Elementary School 17) Magsaysay Elementary School 18) Pandan Elementary School 19) Pangapisan Integrated School 20) Polo Elementary School 21) Polo National High School 22) San Jose Elementary School 23) San Roque Elementary School 24) Telbang Elementary School 25) Telbang National High School Patuloy pa ring mamamahagi ang ACWD ng Portable Handwashing Stations sa iba pang pampublikong paaralan sa Alaminos City sa mga susunod na araw. Ugaliin natin ang maayos na paghuhugas ng mga kamay para mapangalagaan ang ating mga sarili at mga kapwa laban sa banta ng mga virus. Basta tayo ay nagkakaisa, anumang hamon ay makakaya.
Alaminos City Water District Brigada Eskwela 2020

Related Articles

Data Privacy Statement
Terms of Service

OFFICE HOURS:
Monday - Friday
08:00AM - 05:00PM

ADDRESS:
Quezon Ave. Cor. P Reinoso St Poblacion, Alaminos, Pangasinan

CONTACT:
Telephone No.: 075-205-8036
Customer Service: 0947-899-8179
Bids and Awards Committee: 0917-848-3882

Visit Us

Skip to content