Alinsunod sa RA 8041 (Water Crisis Act), mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta o muling pagbebenta ng tubig nang walang pahintulot ng Water District
Sa kasalukuyan, napag-aalaman namin na may mga indibidwal na muling nagbebenta ng tubig sa ilang lugar, partikular sa Inerangan at Polo. Dahil dito, naaapektuhan ang suplay ng tubig sa mga karatig na barangay gaya ng San Roque, San Jose, Tawin-Tawin, Amangbangan, at lalo na ang mga consumer sa matataas na lugar, kabilang ang Inerangan.
Ang ganitong gawain ay nagdudulot ng kakulangan sa suplay at direktang nakaaapekto sa mga lehitimong konsyumer ng ACWD.
Mahigpit po naming hinihiling na itigil agad ang iligal na pagbebenta ng tubig. Kung ito ay magpapatuloy, mapipilitan kaming ipatupad ang naaayon sa RA 8041, kabilang ang pag-disconnect ng linya ng tubig at iba pang kaukulang hakbang alinsunod sa batas.
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1BEno9mj13/


