Blood Donation Activity
February 13, 2025
Nagsagawa ng Blood Donation Activity ang Alaminos City Water District (ACWD) sa pamumuno ni General Manager Michelle S. Segundera at sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Red Cross Western Pangasinan Chapter (PRC-WPC). Isinagawa sa ACWD Training Room, Pogo, Alaminos City ang nasabing aktibidad.
Ang gawaing ito ay bahagi ng ika-50 taong Anibersaryo ng ACWD at isa sa Health and Wellness Programs ng Health, Safety, Security and Environmental (HSSE) Management Committee.
Sa kabuuan, nakalikom ng 19 bags ng dugo mula sa empleyado ng ACWD at ilang private citizens na nakibahagi sa Blood Donation Activity.
Ang gawaing ito ay dinaluhan din ni G. Zalvador Marquez, isa sa mga Board of Directors ng PRC-WPC.
Ang ACWD ay patuloy na nakikiisa sa adhikain ng Philippine Red Cross na ang pag-donate dugo ay makakatulong sa pagsagip ng buhay o makakarugtong sa buhay ng nangangailangan.
#acwd50
#blooddonationactivity2026
#PhilippineRedCross
#DonateBloodSaveLife
📸 ACWD MIS Team
Click here: https://www.facebook.com/share/p/183tvjHcwN/











