Skip to main content
|

Flag Raising Ceremony | September 4, 2023

Ang ACWD, sa pamumuno ni General Manager, Atty. Napoleon F. Segundera, Jr. ay nagsagawa ng Flag Raising Ceremony sa Pogo Office na dinaluhan ng mga kawani mula sa iba’t-ibang departamento maging ang mga field personel. Ito ay bilang bahagi ng pakikiisa ng ahensya sa 123rd Philippine Civil Service Anniversary na ginugunita ngayong buwan ng Setyempre. Ang maikling programa ay pinangunahan ng Administrative and Human Resources Department. Sa nasabing programa ay pinarangalan ang mga manggagawa ng bawat departamento na nagpakita at nagbigay ng natataning pagganap sa kanilang mga tungkulin o Outstanding Employees para sa Buwan ng Agosto. Sila ay ang mga sumusunod: ENGINEERING DEPARTMENT: Construction and Maintenance Division Regular Employee – Mikee Jessee Avelino Job Order Employee (Field-personnel) – Arjay Santos Job Order Employee – Danielle Tablang Water Production Division Regular Employee – Christopher Bautista Job Order Employee – Jhomar Barnachea Admin/Human Resources Department Regular Employee – Cherry Casipit Job Order Employee – Jennifer Gomez COMMERCIAL SERVICES DEPARTMENT Customer Accounts Regular Employee – Kristine G. Contreras Customer Services Regular/Field Employee – Douglas Sabado Job Order Employee – Roselyn Tejero Finance Services Department Regular Employee – Nerilyn Magpali Office of the General Manager Ruth Leah C. Casana Sa mensahe ni GM Segundera, binati niya ang mga empleyado na nabigyan ng parangal at hiniling sa mga ito na sana ay ipagpatuloy ang natatanging paggawa. Hinikayat din nya ang ibang mga empleyado na mas pag-igihin ang kanilang trabaho upang sa susunod na mga buwan ay magkaroon din ng pagkakataon na mabigyan ng parangal. Nagbalik tanaw rin si GM Segundera sa mga proyekto ng Water District upang naging daan sa mas maayos na serbisyo ng ACWD. Ibinahagi rin nya ang ilang mga karagdagang proyekto katulad ng Bulk Water Project upang matugunan ang kakulangan ng supply ng tubig. Inanunsyo naman ni Admin/HR Department Manager, Genesis Ariola ang mga nakahanay na aktibidad ng ACWD sa pagdiriwang ng Civil Service Month katulad ng Leave Orientation, Zumba, at Oureach Program through Clean-up Drive.
Flag Raising Ceremony | September 4, 2023

Related Articles

Data Privacy Statement
Terms of Service

OFFICE HOURS:
Monday - Friday
08:00AM - 05:00PM

ADDRESS:
Quezon Ave. Cor. P Reinoso St Poblacion, Alaminos, Pangasinan

CONTACT:
Telephone No.: 075-205-8036
Customer Service: 0947-899-8179
Bids and Awards Committee: 0917-848-3882

Visit Us

Skip to content