Skip to main content
|

Nakiisa ang Alaminos City Water District sa SCUBAsurero ng Alaminos City ENRO kasama ang iba’t-ibang ahensya ng Lungsod.

Buhay ang pagkakaisa sa Hundred Islands National Park (HINP) sa pagsasagawa ng SCUBAsurero ngayong September 14, 2026. Muling nagkaisa sa aktibidad ang City Environment and Natural Resources Office (City ENRO), Interconnected Business Process, Inc. (IBP), Alaminos City Water District, HINP-PAMB, DENR-CENRO Western Pangasinan, Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), PNP Maritime, PNP K9, BJMP, Bantay Dagat, Task Force ISLA Divers, at CDRRMO.
Sa pagtutulungan ng lahat, nakalikom ng kabuuang 111.1 kilo ng basura, katumbas ng 20 bags, mula sa beach area at ilalim ng dagat.
Taos pusong pasasalamat sa Interconnected Business Process, Inc. (IBP) sa patuloy na pagsuporta sa aktibidad at sa pag-sponsor ng pagkain para sa ating mga volunteers.
Ang ganitong pagkilos ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa at malasakit, sama-sama nating mapapanatiling malinis, ligtas, at protektado ang ating karagatan at ang Hundred Islands National Park.
Nakiisa ang Alaminos City Water District sa SCUBAsurero ng Alaminos City ENRO kasama ang iba’t-ibang ahensya ng Lungsod.

Related Articles

Data Privacy Statement
Terms of Service

OFFICE HOURS:
Monday - Friday
08:00AM - 05:00PM

ADDRESS:
Quezon Ave. Cor. P Reinoso St Poblacion, Alaminos, Pangasinan

CONTACT:
Telephone No.: 075-205-8036
Customer Service: 0947-899-8179
Bids and Awards Committee: 0917-848-3882

Visit Us

Skip to content