Paunawa sa Publiko
Sa paggunita ng Mahal na Araw at mahabang bakasyon, karamihan sa ating mga kababayan ay nanatili sa kanilang mga tahanan dahil sa krisis sa enerhiya. Dahil dito, mataas ang demand sa tubig sa kasalukuyan sanhi ng maraming sabay-sabay na paggamit. Kung kaya may ilang lugar na nakakaranas ng mahina hanggang walang daloy ng tubig sa mga kabahayan.
Hinihiling po namin sa aming mga concessionaires na tayo po ay mag-ipon ng tubig sa gabi o sa oras na mayroong daloy ng tubig sa inyong lugar.
Sa mga lugar na hindi inaabot ng supply ng tubig ng ilang araw, ang ACWD ay tuloy-tuloy na nagsasagawa ng water delivery sa mga kabahayan at sa Magsaysay booster station para matugunan ang supply ng tubig.
Kung kaya, hinihiling po namin na kung may concern sa supply ng tubig, huwag mag-atubiling dumulog at makipag-ugnayan sa aming tanggapan sa pamamagitan ng ACWD FB Page at sa ACWD hotline number: (0947) 899 8179.
Maraming salamat po.
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1BBWEK665D/


