Sa pagsisimula ng bagong linggo
Sa pagsisimula ng bagong linggo, ang mga kawani ng Alaminos City Water District ay sama-samang nagsagawa ng Flag Raising Ceremony sa ACWD Training Room, Pogo Office, na pinangungunahan ng Construction and Maintenance Division headed by Engr. Maricel S. Adrejilo.
Bilang bahagi ng programa, ang aming butihing General Manager, Ms. Michelle S. Segundera, ay nagbigay ng isang maikling mensahe at paalala sa lahat ng mga empleyado ng Alaminos City Water District.
Masayang ibinahagi ng aming General Manager ang kanyang pagiging nominado bilang Honorary Public Servant of the Year – Excellence in Governance and Strong Institution, gayundin ang Alaminos City Water District bilang Sector Award for Clean Water and Sustainability Champion in the Philippines sa Nation Builders & MOSLIV Awards. Ito ay patunay na maayos ang pamamahala at de-kalidad na serbisyo na patuloy naming ibinibigay sa aming mga konsyumers.
Ginawaran din ng parangal ang mga ACWD Dancers na nakilahok sa nakalipas na Inter-Agency Olympic Dance Competition noong Pebrero 05, 2025, kung saan sila ay nagkamit ng 3rd Runner-Up.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18BqwkYoR5/












