Para sa aming mga consumer, tungkol sa iskedyul ng tubig-dagat ngayong araw:
HIGH TIDE (Taás-dagat):10:52 AM
LOW TIDE (Bábang-dagat): 8:22 PM
Kapag HIGH TIDE, tumataas ang tubig-dagat at maaaring pumasok ang alat nito sa mga pinagkukunan ng tubig-tabang na malapit sa baybayin.
Dahil dito, maaaring tumaas ang alat (salinity) ng suplay ng tubig at bahagyang magbago ang lasa o kalidad nito.
Kapag naman LOW TIDE, humuhupa ang tubig-dagat kaya unti-unting nababawasan ang alat sa suplay ng tubig.
Mga apektadong Lugar:
1) Bued
2) Magsaysay
3) Cayucay
4) Lucap
5) Baleyadaan
6) Mona
7) Pangapisan
Pinapayuhan ang mga sensitibo at umaasa sa tubig-tabang para sa inumin na mag-imbak ng malinis na tubig nang mas maaga.
Manatiling handa at planuhin ang paggamit ng tubig nang maayos.
CLICK HERE:
https://www.facebook.com/share/p/1B7MC7W8Fu/