Skip to main content
|

TINGNAN | Masayang nakiisa ang Alaminos City Water District sa opisyal na pagbubukas ng pagdiriwang ng Zero Waste Management Month 2026!

Ngayong umaga, ika-12 ng Enero 2026, ay aktibong nakilahok ang mga piling kawani ng ACWD sa isang motorcade na isinagawa sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Alaminos, sa pakikipagtulungan ng City Environment and Natural Resources Office. Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang pagtalima sa Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000, gayundin ang pagpapataas ng kamalayan ng publiko sa wastong pamamahala ng basura at pangangalaga sa kalikasan. Ang pakikilahok ng ACWD sa National Zero Waste Month ay patunay ng patuloy nitong dedikasyon sa pangangalaga ng kapaligiran at sa pagsuporta sa mga programang naglalayong makamit ang layuning zero waste. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, makakamit ang isang malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon. #ACWDJoinsZeroWasteAdvocacy #ZeroWasteMonth2026 #ACWDParaSaKalikasan Caption by: H. Lakandula 📸 ACWD MIS Team Click here: https://www.facebook.com/share/p/1ZzUWn2Ye4/

Related Articles

Data Privacy Statement
Terms of Service

OFFICE HOURS:
Monday - Friday
08:00AM - 05:00PM

ADDRESS:
Quezon Ave. Cor. P Reinoso St Poblacion, Alaminos, Pangasinan

CONTACT:
Telephone No.: 075-205-8036
Customer Service: 0947-899-8179
Bids and Awards Committee: 0917-848-3882

Visit Us

Skip to content