TINGNAN | Matagumpay na naisagawa ang pagpupulong ng Management Committee (MANCOM) ng Alaminos City Water District (ACWD) ngayong araw, Enero 13, 2026, sa pangunguna ng butihing General Manager na si Ms. Michelle S. Segundera.
Ang pagpupulong na ito ay nagsilbing paunang koordinasyon at alignment session para sa taong 2026, kung saan tinalakay ang mga pangunahing isyu, kasalukuyang operasyon, at mga estratehikong hakbang para sa mga darating na buwan. Dinaluhan ito ng mga Department at Division Heads ng ahensya na aktibong nakilahok sa diskusyon at nagbahagi ng mga solusyon sa umiiral na mga hamon sa operasyon ng ACWD.
Sa pamamagitan ng pagpupulong na ito, muling pinagtibay ng ACWD ang kanilang dedikasyon sa patuloy na pagpapabuti ng pamamahala, operasyon at maaasahang serbisyo sa concessionaires nito.
#ACWD2026
#MANCOMMeeting2026
#ACWDSerbisyongMaaasahan
#SerbisyongMayIntegridad
Caption by: H. Lakandula
📸 ACWD MIS and GM M. Segundera
Click here: https://www.facebook.com/share/p/17ReYzbWJM/








