Skip to main content
|

TINGNAN | Nakiisa ang ACWD sa Pagdiriwang ng ika-1 Taong Anibersaryo ng Zumbasurero!

Masayang nakilahok at nakihataw ang Alaminos City Water District (ACWD) sa Zumba fitness dance bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-1 anibersaryo ng Zumbasurero, isang makulay at masayang aktibidad na sinundan ng clean-up drive, na ginanap sa Lucap Wharf, Alaminos City, Pangasinan noong Enero 17, 2026. Ang aktibidad na ito ay inisiyatibo ng Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa pamamagitan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Zero Waste Month 2026. Layunin ng gawaing ito, hindi lamang maitaguyod ang kamalayan sa kapaligiran at wastong pamamahala ng basura kundi pati na rin ang masiglang pangangatawan. Ang ACWD ay taos-pusong nagpapasalamat sa Pamahalaang Lungsod ng Alaminos, sa pangunguna ni Mayor Arth Bryan C. Celeste, sa isang paanyaya upang maging bahagi ng mahalagang okasyon na ito. Patuloy na nakikiisa ang ACWD sa pagsulong ng malusog na pangangatawan at pangangalaga sa kapaligiran! #Zumbasurero2026 #ZeroWasteAlaminos #ACWD #MalinisNaKomunidadMasiglangPangangatawan Caption: H. Lacandula 📸 ACWD MIS Team Click here: https://www.facebook.com/share/p/17iW1G3jXw/

Related Articles

Data Privacy Statement
Terms of Service

OFFICE HOURS:
Monday - Friday
08:00AM - 05:00PM

ADDRESS:
Quezon Ave. Cor. P Reinoso St Poblacion, Alaminos, Pangasinan

CONTACT:
Telephone No.: 075-205-8036
Customer Service: 0947-899-8179
Bids and Awards Committee: 0917-848-3882

Visit Us

Skip to content